Home / Sections / Dear Tita EZA / Sapagkat Kami Ay Tao Lamang

Sapagkat Kami Ay Tao Lamang

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Magkahawig, ngunit hindi rin naman, ang karanasan ng Itay ni Janice sa “Sa Dulo ng Walang Hanggan,” November issue ng inyong Via Times.

Ako po noon ay isang modista sa aming inland town, malapit sa capital city ng aming probinsya; maagang nag-asawa, maaga ring nabiyuda, may dalawang anak na honor students mula sa elementarya at high school, na naging inspirasyon ko sa aking hanapbuhay sa pananahi.

Isang araw, pagkatapos kong mamili ng mga gamit sa aking dress shop ay hindi ko naabutan ang last trip ng bus na pauwi sa amin. Nagkataon namang napadaan sa estasyon ang Assistant Provincial Treasurer na si Ador Flores na ka-barangay naming nag-oopisina sa Kapitolyo. Niyaya akong sumama na lamang sa kanya. Nahihiya sana ako dahil para ko nang Tatay sa edad at nag-iisa, subalit sincere naman ang kanyang alok kaya pumayag na rin ako. Sa daan, napag-usapan namin ang kanyang maybahay, ang kanilang anim na anak, lahat propesyonal , nasa abroad, at ang aking dalawang dalagita. Madilim na’t madalang na ang mga naglalakad. Lampas na ng boundary na bundok at wala nang katao-tao nang bigla ba naman niyang ihininto ang sasakyan! Sa takot ko, Tita Eza, lumundag ako at patakbong naglakad na palayo. Naawa rin ang Tesorero. Sinuyo ako na sumakay ulit kaya pumayag na rin ako. Pagbaba ko sa aming bahay, nag-sorry naman siya pero sabay pabulong na ipinagtapat na matagal na pala na akong minamanmanan. Hangang-hanga daw sa diskarte ko sa buhay kahit ako’y single parent lamang.

Ang akala ko ay that was the end of the story, pero mali pala ako. Kinaumagahan, nagpadala siya ng isang dosenang bulaklak. Flowers mean forgiveness daw. Nasundan pa ito ng pandesal, biscocho, ice cream, longganiza, chicharon, at kung anu-ano pang dalang pauwi galing trabaho. Maski tutol ang aking parents sa pagsusumasa- kabilang-bahay ng Tesorero, nangyari ang hindi dapat mangyari sapagkat kami ay tao lamang. Si Rhoda ang naging bunga. I was then forty years old. Twelve years agwat nila ng ate niya. Nang mag-retire si Ador, nagbigay siya ng share para sa kanyang anak for the expansion ng business na naging Rhoda’s Tailoring and Dress Shop. By that time, magka-college na ang dalawa kong dalaginding.

Years later, ang nakababatang anak ay naging accountant sa kanilang Central Office sa Manila. Ang panganay naman ay naging Director of Nursing sa isang Rehab Clinic. Ang husband niya naman ay sa Chicago’s Finest. Malaki ang bahay with two kids na nangangailangan ng pag-aaruga kaya ako nandito. Ang allowance na ibinibigay ng panganay sa akin ay pinapadala ko rin kay Rhoda for her schooling. Wala na si Itay. Si Inay na lang nag-aalaga sa kanya. Wala na rin si Tesorero Ador. Closed na ang Tailoring and Dress Shop. Graduate na si Rhoda ng Education kaya lang ayaw magturo dahil gusto ring makapunta ng States. By that time, magka-college na rin ang dalawang apo ko rito kaya nagpaalam ako sa aking anak na magtrabaho ako sa KFC para makaipon ng pamasahe ng kanyang kapatid.

Dumating nga si Rhoda. Masaya kami sa umpisa ngunit napansin kong naging mainitin na ang ulo ni panganay. We were then preparing to host a big party sa bahay at ang aking assignment: ang specialty kuno – higado. Sa lahat naman ng pagkakataon, nasunog ko ang aking niluluto!

“Estupida! Buwiset!” sigaw ng aking anak sa akin. “Mula’t sapul, salot kayo sa buhay ko, sa buhay naming magkapatid! Dahil sa kagagahan mo, lumaki kaming may tatak na anak ng kulasisi, kabit, kept woman, homewrecker! Hanggang dito sa Amerika, nakakasira kayo ng image. Kinasusuklaman ko kayo,’Nay! Ikinahihiya!” Inilabas niya lahat ng kanyang mga tinitimpi nang mahabang panahon. Para bang bumagsak ang langit sa akin, Tita Eza. Lumipat kami ni Rhoda ng apartment. Buti naman at in-accommodate din si Rhoda sa KFC, datapwat magkaiba kami ng department. Kung minsan, dinadalaw kami ng panganay. Kung minsan, kami naman ang pumupunta sa kanila. Pero iba na. Hindi na tulad ng dati.

Bakit, wala na bang pagasang magbagong-buhay ang makasalanang tulad ko? Nang mapanood ko ang old movie na “Imitation of Life,” di ko sukat akalain na mangyayari ito sa akin.

Beverly

 

Dear Beverly: Una sa lahat ay sa iyong tanong. Gusto ko lang na ipaalaala sa ’yo na nang si Kristo ay namatay, ang unang naakatuklas na siya’y nabuhay ay isang babaeng kilalang makasalanan. Further more, naaalala mo ba ang “The Scarlet Letter”? When a child talks like a child, tapos you also talk like a child, na pabaluktot din, doon nag-uumpisa ang gulo. And when you fight fire with fire, sunog talaga!

Napanood ko rin ang “Imitation of Life” sa TCM. Dalawang version pa – kay Lana Turner at kay Claudette Colbert. Parehong nakakabagbag- damdamin. Ang masasabi ko lang sa inyong mag-ina: Life is too short for us to be carrying grudges. Dedicated to both of you and to all of us as well.

Don’t bring me flowers when I am dead; Come see me today, while I’m sick in bed.

Don’t cry for me, when I’m no longer here; Come smile with me, no need for tears.

Don’t try to remember how I used to be; Come by today and you can see.

Make good use of time, while I’m still around; Don’t wait for tomorrow, when I’m in the ground. (-Juan Olivarez,”Send Me No Flowers When I’m Dead”)

Happy New Year,

Tita Eza

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top